Pinoy Jokes Verse 1
filipino April 28th, 2009
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya…
Jorge: Ano’ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ‘yung kabayo!
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!
- Pinoy Jokes Verse 2...
- Erap Jokes – 9/22/2009...
- Melanie Marquez Jokes and Quotes...
- Filipino Microsoft Joke...
- Funny Jokes – January 14, 2009...
- Short Funny Jokes – January 20, 2009...
- Three Sons Joke...

Leave a Comment